๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ | ๐๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ : ๐€๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐ข ๐€๐ฅ๐ž๐ฑ ๐„๐š๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ง๐ง๐ข๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ

May mga pangarap na tila napakalayo, hanggang sa dumating ang araw na ang bawat pawis, bawat pagod, at bawat sakripisyo ay magbunga ng isang tagumpay na hindi lamang para sa sarili, kundi para sa isang buong bansa.

Sa bawat palo ng raketa, sa bawat habol sa bola, at sa bawat sigaw ng laban, unti-unting binago ni Alexandra Eala ang pananaw ng maraming Pilipino sa kung hanggang saan kayang marating ng ating mga atleta. At sa pag-angat niya ng tropeo sa 2026 Mubadala DC Open, hindi lamang siya nag-uwi ng isang titulo kundi iniukit niya ang panibagong kabanata sa kasaysayan ng tennis ng Pilipinas.

Sa edad na 21, naging kauna-unahang Pilipinong nagwagi si Eala sa Womenโ€™s Tennis Association (WTA) Tour singles. Isang tagumpay na matagal nang hinihintay ng Philippine tennis. Higit pa sa isang tropeo, naging patunay ang kaniyang panalo na kaya ring makipagsabayan ng mga Pilipino sa pinakamataas na antas ng pandaigdigang kompetisyon.

Ngunit bago ang palakpakan at bago niya itaas ang tropeo, may mga araw na puno ng pagod. Sa bawat ensayo at bawat pagkakataong muling bumangon, hinubog si Eala hindi lamang bilang isang atleta, kundi bilang isang mandirigma sa loob ng court.

Bago pa man ang makasaysayang panalo sa Washington, nauna nang nasungkit ni Eala ang mga titulo sa WTA 125 Guadalajara Open noong 2025 at WTA 125 Birmingham Open noong 2026. Gayunman, ang korona sa DC Open ang nagsilbing pinakamahalagang yugto ng kaniyang karera, sapagkat dito niya tuluyang naiangat ang pangalan ng Pilipinas sa propesyonal na tennis.

Sa isang bansang mas kilala sa basketball at boxing, ipinakita ni Eala na may puwang din ang tennis sa puso ng mga Pilipino. Sa bawat palo ng kaniyang raketa, tila may kasamang sigaw ng isang bansang umaasang balang araw, mas marami pang kabataan ang hahawak ng raketa at mangangarap na makalaro sa pinakamalalaking entablado ng mundo.

Sa kabila ng kaniyang tagumpay, nanatiling mapagpakumbaba si Eala. Sa isang maikling bidyo matapos ang laban, masaya niyang pinasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kaniya habang inihahanda ang sarili para sa susunod na kompetisyon.
โ€œHey everyone! I just won DC! Iโ€™m so, so happy. Thank you all for your support, and Iโ€™ll see you guys in Toronto!โ€ ani niya.

Sa huli, ang tagumpay ni Alex Eala ay hindi lamang nasusukat sa tropeong kaniyang iniuwi. Mas higit itong masisilayan sa inspirasyong iniwan niya sa bawat Pilipinong nangangarap. Sa bawat pawis na ibinuhos, bawat sigaw na pinakawalan, bawat palo na ipinaglaban, at bawat pagkakataong piniling bumangon ipinakita niyang walang pangarap na tunay na malayo para sa isang pilipinong may pusong handang lumaban.

#TheReview
#WeAreNWU
#nwuthereview
#NWUStudentPublication

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top