Sa bawat araw na hindi mo nakikitang kumikinang ang sarili mo,
huwag mong isipin na wala ka nang liwanag.
May mga bituing kailangang maghintay sa dilim
bago mapansin sa lawak ng langit ang kanilang ningning.
Kaya kung hindi man ikaw ang kumikinang
at napapansin ngayon,
magpatuloy ka.
Hindi dahil kailangan mong patunayan ang sarili mo sa iba,
kundi dahil alam mong may bersyon ka pang hindi mo pa nakikilala.
Darating ang araw,
at ang liwanag na tahimik mong binuo
ang siya ring magiging pinakamaliwanag mong kuwento.
Dahil minsan,
ang dilim ay hindi tanda ng pagkawala ng liwanagโ
ito ang lugar kung saan ito pinapanday.

: Rizal Martinez

: Denie Rose Aleta
#TheReview
#nwuthereview
#NWUStudentPublication

Rizal Martinez is a broadcaster for The Review.




