Hinimok ang mga kabataan ng Ilocos na maging aktibong katuwang sa paghubog ng kanilang mga komunidad sa isinagawang Global Youth Summit (GYS) noong Agosto 27 sa SM Laoag City.
“I hope that the next time we talk about the future of Ilocos Norte, I won’t just see you sitting in the audience. I hope to see you at the table, in the community, and eventually, leading the decisions that shape our province,โ pahayag ni Xavier R. Ruiz, Pangalawang Pinuno at Supervising Tourism Operations Officer ng Ilocos Norte Tourism Office, sa sesyon tungkol sa Sustainable Development Goal (SDG) 11, o ang Mga Lungsod at Pamayanang Tuloy-tuloy ang Pag-unlad (Sustainable Cities and Communities.)
Ang summit ay nagtipon ng mga estudyante mula sa mga unibersidad at sekundaryang paaralan sa buong rehiyon ng Ilocos, para sa mga talakayan tungkol sa kalusugang pangkaisipan, mga lungsod at pamayanan tuloy-tuloy ang pag-unlad, at inklusyong panlipunan.
Bago ang panawagan ni Ruiz para sa mas aktibong pakikilahok ng kabataan, binigyan-diin ni Romelia Tagaman-Arcano, Health Education Promotion Officer II ng Speak Up, Iโm Here Mental Health Hotline and Center, ang kalagahan ng pagkilala ng mga kabataan sa kanilang emosyonal at mental na kalagayan sa ilalim ng SDG 3, o Mabuting Kalusugan at Maayos na Pamumuhay (Good Health and Well-Being).
โYou donโt need a perfect explanation to deserve support,โ pahayag ni Tagama-Arcano.
Binigyan-diin sa kanyang talakayan ang kahalagahan ng paghingi ng suporta at paglikha ng mga espasyo kung saan maaaring magsalita ang mga kabataan tungkol sa kanilang kalusugang pangkaisipan at emosyonal nang hindi kailangang bigyang-katwiran.
Tinalakay rin sa summit ang SDG 10, o Bawasan ang Hindi Pagkakapantay-pantay (Reduced Inequalities), sa sesyong pinangunahan ni Marvin Xavier N. Vea, Pangulo ng Federated 4-H Club Ilocos Norte.
Binigyan-diin niya na hindi lamang dapat nasusukat ang tagumpay sa sariling mga nagawa, kundi maging sa bilang ng mga taong naimpluwensiyahan at natulungan, lalo na sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang may ibaโt ibang pinagmulan.
Binigyang-pansin din ni Laoag City PPSK President Rionell Jan โRioโ Respicio, bilang kinatawan ni Mayor James Bryan Q. Alcid, ang tungkulin ng kabataan sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng pamayanan.
Sa mga talakayang nakatuon sa kalusugan, napapanatiling komunidad, at hindi pagkakapantay-pantay, binigyang-pansin ng summit ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang mga komunidad.
Precious Curammengย is a staff writer for The Review.




