Habang suot ang kanilang puting uniporme at taglay ang mga ngiting puno ng pagmamalaki, isang bagong yugto ang nagbukas para sa 377 na mag-aaral ng Level 2 Nursing Student ng College of Allied Health Sciences (CAHS) sa isinagawang Capping, Pinning, and Candle Lighting Ceremony sa Aquino Multi-Purpose Center noong Agosto 28, 2026.
Nagsimula ang seremonya sa pamamagitan ng isang Misa na pinangunahan nina Rev. Fr. Recs Clifford C. CID at Rev. Harvey Vic I. Naval.
Pormal na binuksan ang seremonya sa pamamagitan ng processional march, kung saan pumasok ang mga estudyante kasama ang mga kanilang mga pamilya, mga guro at kawani, mga administrator ng kolehiyo, at mga iginagalang na opisyal ng unibersidad.
Sa kanyang Inspirational Message, pinaalalahanan ng Dean ng College of Allied Health Sciences at Vice-President for Academic Affairs na si Dr. Charliemane A. Bullalayao ang mga estudyante na ang seremonya ay hindi lamang tungkol sa kanilang akademikong tagumpay, kundi nagsisilbi rin itong paalala sa mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging nars. Binigyang-diin niya:
“At that moment, your patient may not remember the grades you receive in school or how high you score in an examination. But what that person will remember is how you cared, how you listened, and how you made him feel that life mattered. Nursing is noble because you choose to serve another human being at a time when a person is most vulnerable.”
Isa sa pinaka makabuluhang bahagi ng seremonya ay ang pagpasok ni Florence Nightingale at ang Pag-ilaw ng Lampara, na pinangunahan ni Bb. Kristine Joy Mamasig, RN, mula sa Batch 2011 na nagbibigay-pugay sa patuloy at mahalagang ambag ni Florence Nightingale sa larangan ng nursing.
Ang pinakamahalagang bahagi ng seremonya ay ang pagsusuot ng cap na sumasagisag sa pagkakakilanlan, pagkakabit ng pin na kumakatawan sa pagiging bahagi ng isang propesyong nakasentro sa paglilingkod at integridad, at pagbibigay ng lampara na sumasalamin sa pamana ni Florence Nightingale at sa mga pagpapahalagang kanyang isinabuhay.
Samantala, labindalawang mag-aaral naman ang tumanggap ng parangal bilang Most Outstanding Awardees ng Level 2 Nursing dahil sa kanilang natatanging sipag at tiyaga sa buong akademikong taon. Samantala, isang mag-aaral naman ang tumanggap ng Special Award.
Nagpatuloy ang mga pagdiriwang sa presentasyon ng Class History na inihandog ni Mayly A. Montez, isang Level 2 Student Nurse. Ginanita niya ang mga paglalakbay at pinagdaanan ng Batch 2029, mula sa kanilang unang clinical experience at return demonstrations. Binigyang-diin niya na hindi lamang pinalakas ng mga karanasang ito ang kanilang determinasyon na ituloy ang narsing, kundi pati na rin ang kanilang pagkakaiigan at katatagan. Aniya:
“Maybe the best part is not simply this moment. Maybe the best part is knowing it is only the beginning. There will be more patients to care for, more lives to touch, more challenges to overcome, and more dreams waiting for us. And someday, when we look back at this chapter, I hope we remember not just the grades earned or the requirements we completed but the people we became along the way.”
Habang papalapit naman ang pagtatapos ng seremonya, inilahad ni Apple Venice A. Domingo, isang Level 2 Student Nurse, ang words of gratitude. Ipinahayag niya na ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanilang mga pamilya, at sa kanilang mga mentor na sila’y ginabayan. Binigyang-diin niya rin na ang kanilang mga sakripisyo at pag-gabay ay humubog sa kanila upang maging mga nars na palagi nilang maipagmamalaki. Dagdag niya:
“You taught us that behind every diagnosis is a person, behind every procedure is a patient who may be afraid, and behind every uniform is a nurse entrusted with someone’s life.”
Mahalagang bahagi ng pag-aaral ng mga estudyante ang seremonyang ito habang naghahanda sila para sa clinical duty. Ang bawat cap at pin ay simbolo ng kanilang mga natutunan, paghahanda, at tungkulin sa pag-aalaga at pagtulong sa iba. Ipinapaalala rin nito kung gaano na sila kalayo at kung saan sila patungo bilang mga magiging nars.
Aiyana Kim is a staff writer for The Review.



