Takip-silim
Nakaupo tayo sa dalampasigan ng kaligayahan
Habang nakatunghay sa papalubog na araw ng kalungkutan
Ito ang araw na aking inaasam-asam
Dahil sa wakas ako’y iyo ring nagustuhan
Saksi ang hangin sa tamis ng ating pagmamahalan
Saksi rin ang buhangin sa ating kasiyahan
Saksi ang mga alon sa ating katatagan
Saksi rin ang mga ibon sa mga pangakong ating binitawan
Ngunit unti-unti kang nilalamon ng dapit-hapon
Sinampal ako ng realidad nang ika’y tuluyang naglaho
Tuluyang nang linamon ng kadiliman ang kaligyahan ko
Nagising ako sa katotohanang panagip lang pala ito
Panaginip lang pala ang kay tamis na sandali
Panaginip lang pala na ako ang dahilan ng iyong mga ngiti
Kung sa panagip ka lang magiging akin
Mas nanaisin ko pang hindi na magising
Sinisid ko ang kailaliman ng mga tanong sa aking isipan
Ngunit nalunod lang ako sa mga kasagutan
Kasagutang nagpapasakit sa aking damdamin
Ang katotohang hindi ka magiging akin
Kaya kitang dalhin sa paraiso ng kaligayahan
Kaya kong ibsan ang iyong kalungkutan
Ngunit lahat ng ito ay walang kabuluhan
Sapagkat kailanma’y di mo ko magugustuhan
Tama na ang minsang nakasama ka
Kahit sa panaginip lang ako’y naging maligaya
Gusto kita kaso ako’y susuko na
Sapagkat ang puso mo’y pag-aari na ng iba
Kasabay ng takip-silim ay ang paglubog ng aking nararamdaman
Kasabay nang paglimot sa sayang dulot ng kadiliman
Ang pagsikat ng araw ay ang paghilom ng mga iniwang sugat
Sugat na naging dahilan kung bakit ako matatag