Back

Duwag

Gusto kong mawala na lang bigla,
Yung tipong walang nakakakita,
Hahanapin ba nila ako?
Siguro hindi na, ’no?

Mas gusto ko pang makita silang masaya na wala ako,
Mas masaya siguro kapag hindi nila ako nakilala,
Siguro mas okay na lang na ganito,
Pagmasdan ang mga ngiti nila,

Napatawa na lang ako,
Hindi ko naman nais na kaibiganin sila,
Nag-iisa lang ako,
Lumapit sila sa akin na gusto nila ako,

Wala akong nagawa,
Ginusto ko naman na kilalanin sila,
Nakukulitan lang kasi ako sa kanila,
Kaya naging kaibigan ko sila,

Nanghina na lang ako,
Nanghihinayang ako sa sarili ko,
Hindi ko maiwasan na isipin,
Mga ala-ala na lang pala ang mga iyon,

Kaya naman mas okay na hindi ako nagpaalam,
Ayaw kong pigilan nila ako at pakialaman,
Ayokong idamay sila sa aking nararamdaman,
Dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko ng magpahinga.

What’s your Reaction?
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0

Post a Comment