Back

Ulap

Umuulan na naman
Ang sayang makipaghabulan
Sa taong hindi ka naman sinalo
At hindi ka niya pinili sa dulo

Parang hindi humihinto ang ikot ng mundo
Pagdating sa kanya, parang maguguho ang iyong puso
Bakit sa kanya parin umaasa
Kahit alam mong wala kang pag-asa

Dinadamdam ang bawat patak ng ulan
Nanginginig na dahil sa lamig
Kahit alam mong nanlalamig ang pakiramdam sayo
Nanginginig dahil alam mong hindi na siya para sayo

Malakas ang buhos ng ulan
Kasabay ang pagpatak ng iyong luha
Nasasaktan ka dahil hindi ka niya kayang panindigan
Dahil kailanman hindi ka naman niya talaga ginusto

What’s your Reaction?
+1
0
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0

Post a Comment